"The Kabayan Noli De Castro Foundation, Inc., in partnership with
the Department of Education (DepEd), SM Foundation, Inc., and Rotary
Club of Makati West (District 3830), is organizing the Kabayan Ten
Outstanding Public School Students (TOPS) Awards for School Year
2011-2012 with the theme, "Edukasyon Tugon sa Hamon ng Kahirapan".
The Awards aim to:
- recognize poor but deserving public high school students who have shown exemplary performance in academic works and leadership;
- encourage the Filipino youth to excel and to lead the way towards genuine public service;
- give recognition to public secondary school students who, despite challenging circumstances, have achieved success in academic works or student-leadership through hardwork and perseverance, thereby serving as inspiration to others; and
- provide selected underprivileged public high school students full college scholarship grants.
The Awards, which consist of two (2) categories, namely; Academic
Excellence Award and Exemplary Leadership Award is open to all presently
enrolled fourth year public high school students nationwide."
Ito
yung nakalagay sa isang memorandum na dumating sa aming paaralan noong
Setyembre 2011. Agad itong pinabasa sa akin ng aking gurong si Bb.
Guerrero. Nagulat ako at mayroong nakalagay sa sticky note sa right side
ng memo from the principal, "Let's nominate Carl Cepeda".
Nakakaoverwhelm.. It's like whoa, KABAYAN TOPS!! Pinagprepare agad ako
ng aking adviser ng mga requirements para makasali.. Pero matagal pa
naman yung pasahan, December pa. So chill pa lang.. :)
....
November 4-9, 2011 - National Leadership Training for Student Government Officers (Baguio City)
Nakalagay
sa program na mayroong talk about KABAYAN TOPS. Naexcite ako kasi
kasali ako. Marami pa akong gustong malaman tungkol sa nomination na ito
(Sino yung mga past winners, Mga mapapanalunan... at marami pa).
Pinanood samin ung video ng mga nanalo, ung naging buhay nila at ung mga
achievements nila...
At doon, mejo nawalan ako ng pag asa. kasi
naman ung mga nanalo dati President ng NFSSG or mataas ang posisyon sa
RFSSG.. Tapos ung iba pa, nanalo sa mga international competitions.. eh
ako hanggang Regional lang...
....
Lumipas
ang ilang mga araw. Isang araw nalang at deadline na ng pasahan ng
nomination form.. Mejo tinatamad na ako kasi feeling ko hindi rin naman
ako makakapasok..
....
Naaalala ko pa nung
araw na ipapasa ko ung form sa Division Office. Ako lang mag-isa pero
nakasabay ko sa jeep si Mam Paunil (1st Year Adviser namen)..
Napakalakas ng ulan noong mga araw na iyon.. Pero dahil mabait si GOD,
successfully, I passed the form :) Para yun sa Division Level Search..
....
At
isang araw pagkatapos noon, tinawagan ni Dr. Corpin (Educ Supervisor of
AP/HEKASI) ung school at pinapapunta ako doon sa Division Office.. May
navivibes ako..
At un.. nakausap ko nga.. Sabi niya sa akin, pwede
daw ako sa Leadership Award at Academic Excellence Award.. kapag hindi
raw ako nakapasok sa Academics, ilalagay nya daw ako sa Leadership. Ung
feeling ko? Mejo nadisappoint.. Parang wala kasi akong pag-asa sa
Leadership eh.. Hayy.. At parang napahiwatigan na ako na baka hindi nga
ako makapasok...
....
Again, God is SOOOO
GREAT!! Tinawagan ulit ang school at sinabing ipapasa na daw ung form ko
sa DepEd at sa Academic Excellence Award pa :)) Sobrang natuwa talaga
ako. Di ko maexplain yung feeling.. But at the other side, sabi ko,
"Ganyan naman ako eh. Hanggang Division lang. Wag na umasa. Hanggang jan
nalang yan..."
....
At for the nth time,
GOD is really amazing!!! This February lang may lumabas na memo galing
DepEd. Sabi sa February 13-14 daw ung screening sa GSIS Building.. Like
whoa!! Akala ko hanggang dun na lang ako.. Thank God, I said.. Pasok ako
ng Regional Level..
Pero one thing I noticed, sa 17 divisions ng
NCR, bakit 5 lang ung nakalagay na pangalan sa memo at kasama ako dun..
Bakit 5 lang???? Anong ibig sabihin nito??? Isa ako sa TOP 5 ng NCR at
pasok sa NATIONAL LEVEL SEARCH (FINALS)???
Sobra talaga akong
natuwa. Hindi ko inexpect na aabot ako sa ganun.. Eh kasi naman, annex
lang ung school namin. Laging minamaliit. Pero sa pagkakataong ito, nais
kong patunayan na kahit annex ka, mas malaki ang aming maibubuga...
....
FEBRUARY 13-14, 2012 - GSIS MAIN BUILDING
Napakasayang
experience. Dito ko lang naishare yung tunay na pinagdadaanan ko at ng
pamilya ko. Kahit adviser ko nagulat dahil hindi daw halata sa akin..
![]() |
| Ten Outstanding Students of the National Capital Region, Philippines |
Nakakilala
ako ng mga bagong kaibigan. At nakita ko pa ung idol ko na
taga-Batangas.. :) Naalala ko siya. Siya yung tumakbong Secretary ng
NFSSG. Crowd's favorite. Ang galing niya. kaya siya ung nanalo.. At nung
gabing matapos ung announcement of winners nun, habang pauwi ang aming
company sa aming lodge, nakita namin syang nakataklob ang buong mukha.
Ayaw ata magpakita kasi nga madaming may idol sa kanya. Pero nahuli
namin sya at nakapagpaicture :))
At bumalik tayo sa KABAYAN TOPS,
ang saya ng feeling na maraming nagmomotivate sa iyo inspite of your
financial status. Nakakatuwang isipin na marami rin akong katulad ng
pinagdadaanan. Pero mayroon akong isang taong nakilala na mas matindi pa
ang pinagdadaanan kaysa sa akin o sa iba pa sa amin.. At nung bago kami
umuwi noon, at pinapanood muli ung video ng mga nanalo, katabi ko siya.
"Feeling ko, ikaw yung mananalo..."
"Uyy. Wag mo akong ipagexpect.. Baka kasi umasa ako eh..."
"Feeling ko lang.. Malakas ung vibes ehh.."
....
Matagal yung panahong lumipas...
Isang gabi, naabutan kong nakaonline ung huli kong nakausap noong Feb 14...
"Kamusta. May memo na ba sa inyo galing KABAYAN TOPS?"
"Hmm. Wala pa ehh.. Pero..."
"Pero ano? Ikaw yung panalo noh?"
"Ewan ko kung pwedeng sabihin eh. Pero tinawagan ako ni Attorney.. Hmm. Oo :)"
"Yeah! I told you!! Congratulations! Sabi na nga ba eh!!"
"Hehe. Ang galing mo!! Nahulaan mo!! :)"
....
Alam
mo yung feeling na marami kang napasaya dahil sa achievement na iyon.
At nakakilala ako ng mga kapwa estudyante na masasabi kong magiging
inspirasyon ko tungo sa aking mga pangarap. Kahit na hindi ako nanalo sa
National Level at tawaging isa sa mga TEN OUTSTANDING STUDENTS OF THE
PHILIPPINES, masasabi kong bonus nalang yun kung mangyayari. Pero yung
mga experience na aking naranasan sa National Level Search ang aking
magiging sandata para makuha ang aking gma minimithi.
CONGRATULATIONS PO SA LAHAT NG MGA NAGWAGI! YOU DESERVE IT ! :)
Salamat po sa inyong lahat!!
Kay
GOD, MAMA AT PAPA, MGA KAPATID, KAIBIGAN, MGA GURO AT PRINCIPAL AT SA
LAHAT NG AKING MGA NAKILALA NOONG FEBRUARY 13 -14, 2012:
* ELLA MAY MAAÑO
* KARL LANDRITO
* DAILYNE MACASAET
at sa iba pang nakalimutan ko man ang pangalan, pero hindi ung mga kwento niyong tunay na tumatak sa aking isipan...
:) :) :)




Hello there! Congratulations nga pala! I'm Jeff TOPS batch 2011. actually ako yung rightmost awardee na nasa image mo at the top :)
TumugonBurahin